このページは主としてフィリピンの方に提供しているため、
現在のところタガログ語(フィリピノ語)で掲載させていただきます。(毎週更新を目標)

It lets us insert it in Tagalog because this page is provided for the Filipino.
(Renewal, every week.)
News (Police news)
 June 28, 2001

*** ERAP ARRAIGNED! ***

Napilitan ang Sandiganbayan First Division na ihain ang "not guilty plea" kay dating Pangulong Joseph E. Estrada matapos itong tumangging magbigay ng pahayag kaugnay sa pagbasa kahapon sa kaso nitong perjury.

Maituturing na makasaysayan ang pagdinig na pinangungunahan ni Presiding Justice Francis Garchitorena, chairman, at kasamahang sina Associate Justice Gregory Ong at Catalino Castaneda, dahil ito ang kauna-unahang naisalang sa arraignment ang dating Pangulo ng bansa.

Sinamahan si Estrada ng kanyang maybahay na si Senator-elect Dra. Luisa "Loi" Ejercito, at mga anak na sina San Juan Mayor-elect Joseph Victor "JV" Ejercito at Jude Estrada.

Kaugnay nito, itinakda ng First Division sa Agosto 2 ang pre-trial ni Estrada sa perjury case kasabay ng pagtiyak na irerespeto ang kanyang karapatan. Naantala ang arraignment matapos igiit ni Saguisag sa korte na unahin ang pagkakaloob ng dokumento upang maliwanagan ang depensa kaugnay sa partikular na kasong kinakaharap ni Estrada.

Ginawa ni Saguisag ang pahayag sa pamamagitan ng isinumiteng motion for bill of particulars na humihiling din na huwag ituloy ang arraignment na ibinasura naman ng korte.

Nais ni Saguisag na ipagkaloob ng prosekusyon ang breakdown ng sinsabing mga negosyo na may interes si Etrada upang makapaghanda ang kanilang kliyente bilang bahagi ng karapatan.

Orihinal na inakusahan si Estrada na lumabag sa Art. 183 ng Revised Penal Code matapos dayain ang isinumiteng statement of assets and liabilities and networth noong 1999.

Ngunit sa isinumiteng amended information ng prosekusyon, lumitaw na nilabag ni Estrada ang Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standard for Public Officials and Employees dahil sa pamemeke ng SALN.

 June 20, 2001

*** CHA-CHA, HINDI OK---Companero ***

Hindi pumabor si Senate Minority Leader Renato Cayetano sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas sa darating na ika-12 Kongreso.

Aniya, hindi pa napapanahon ang anumang planong baguhin ang Konstitusyon dahil na rin sa kaliwa't kanang suliranin kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan.

Idinagdag pa na taliwas ito sa panawagan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na magkaisa ang lahat kung itutuloy ang pagsulong ng Charter Change o Cha Cha, na muling ipinanukalani Sen. Franklin Drillon kamakailan.

Sinabi rin ng mambabatas na hindi garantisadong makaliligtas ang Pangulo sa pagbatikos ng mga kritiko oras na maisulong ang isyu ng Cha-Cha sa Senado.

Binigyan diin niya, sa isang press conference kahapon, na mahabang panahon ang gugugulin ng Kongreso kung itutuloy nito ang planong pagsususog sa Konstitusyon dahil kinakailangan maratipikahan muna ito.

Ipinaliwanag pa ng Senador na dalawa lamang ang paraan para maisakatuparan ang pagsusog sa Saligang Batas.
Una ang calling a Con-con to a law and second by converting the Congress to a constitustional assembly.

Ayon pa sa kanya , daraanin sa boto ng taumbayan ang anumang magiging resulta ng dalawang paraan nito.

 June 12, 2001

*** 'LIVE MEDIA COVERAGE,' NAIS SA PAGLILITIS KAY ERAP ***

Hiniling kahapon ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na aprubahan ang live media coverage sa paglilitis sa kaso ng dating Pangulong Erap sa Sandigang bayan sa Quezon City.
Ito ang panawagan ng BAYAN, matapos na ibasura ng Third Division ng Sandigangbayan ang kahilingan ng dating pangulo na isailalim siya sa house arrest.

Nagbabala naman si BAYAN chairperson Rafael Mariano ng mga pag-mamaniobra umano ng kampo ni Estrada upang mabigyan ng administrasyong Arroyo ang dating pangulo ng "special treatment".

Sinabi ni Mariano na, "We must stop Estrada gang from further delaying, hiding from public view and sabotaging the trial. Mass media coverage and a prompt trial is the next order of the day."

"Besides, Estrada has long asked for due process and a fair hearing," susog pa ni Mariano.

Si Mariano, isa sa mga complaints sa hindi natapos na impeachment trial sa Senado at sa ibat ibang complaints laban kay Estrada sa Sandiganbayan.

Kaugnay nito, malugod din na tinanggap ng grupong Plunder Watch ang pagkakabasura sa kahilingang house arrest ni Estrada.

Ayon kay Plunder Watch convenor Carmen "Nanay Mameng" Deunida, "We applaud this decision. It is defensible, just and demanded by the people. Estrada deserves to be imprisoned just like any other accused citizen."

Inihayag din ng Plunder Watch na maglulunsad sila ng mga kilos protesta sa araw ng arraignment ng dating pangulo at nangako na kanilang mahigpit na susubaybayan ang paglilitis sa pamamagitan ng mga printed newsletter, isang primer tungkol sa plunder case at sa Internet website.

 June 05, 2001

*** 5 HOSTAGE, NABAWI PA; 1 PINUGUTAN, 1 TINAGA ***

Limang bihag mula sa Dos Palmas Island Resort sa Palawan ang nailigtas ng miltar kabilang ang mga magulang ng walong taong gulang na batang lalaki na unang nakatakas kamakalawa sa kamay mg Abu Sayaff Group (ASG).

Personal na sinalubong kahapon ni Pangulong Gloria Arroyo, kasama sina National Security Adviser Roilo Golez at DILG Secretary Jose Lina ang limang bihag na dumating sa Presidential hangar ng Villamor Air Base.

Ikinalungkot naman ng Pangulo ang ulat na pinatay ng mga bandido ang dalawang empleyado ng Los Palmas na sina Sonny Daquerro at Armando Bayona.
Pinugutan ng ulo si Bayona habang tinaga sa leeg si Daquerro.

Dakong alas-5:20 ng hapon nang lumapag sa 505th Search and Rescue Wing Hangar ang sinakyang PAF C-130 aircraft mula sa Basilan ng limang bihag.
Kasama ring dumating ang 11 sundalo na pawang sundalo sa kagubatan ng Isabela, Basilan kamakalawa.

Sumunod na nailigtas ang tatlo pang bihag na sina Reghis Romero, Ma. Rizza Santos, at ang batang si RJ Recio na nakatakas naman ng paligiran at lusubin ng puwersa ng AFP ang simbahan at ospital sa Lamitan.

Hanggang ngayon ay hawak pa rin ng mga bandido ang mga Palawan hostage na sina Martin at Gracia Burnham, Guillerno Sobero, Francis Guanzon, Angie Montealegre, Ma. Fe Rosendo, Luis Bautista, Laine Chua, at Kimberly Jao.
Kasama rin nito ang tatlong madre at iba pang doktor at pasyente na buhag nito sa St. Peter's Church.

 May 29, 2001

*** P100M, INILAAN NI GLORIA VS ABU ***

Naglaan ang pamahalaang Arroyo ng kabuuang P 100-milyon pabuya para sa sinumang positibong makapagtuturo sa mga lider at miyembro ng Abu Sayyaf Group.

Napagkasunduan ito kagabi nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at mga miyembro ng Cabinet Cluster E sa "emergency meeting" sa Malacanang bilang bahagi ng opensibang ipinatutupad ng pamahalaan laban sa nabanggit na grupo.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, babayaran ng gobyerno ng P5 milyon ang lider at P1 milyon para sa mga miyembro sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para mahuli ang mga bandido.

Mababalitaang dinukot kahapon ng madaling araw ng grupo ng ASG ang 20 katao sa Dos Palmas Island, sa Puerto Princesa City, Palawan at karamihan sa mga ito ay turista.

 May 24, 2001

*** HOUSE ARREST CBCP, SINALUNGAT NG PALASYO ***

Pinasubalian ng Malakanyang ang pahayag ng maipluwensiyang Catholic Bishop (CBCP) na maaaring pagbibibgay ng amnesty ang ibunga ng pagpabor ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa kahilingang "house arrest" ni dating Presidente Joseph Estrada.

Tinultulanng mga pari ang pagpabor ni Arroyo sa house arrest, sa pagpapatayo ng bagong bahay-kulungan para kay Estrada sa loob ng bakuran ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) at iba pang "kaluwagang" hindi ipinagkaloob sa isang ordinaryong bilanggo.

*** SENATORIAL RACE UNOFFICIAL ***

1. De Castro (Independent)
2. Osmena (PPC)
3. Flavier (PPC)
4. Drilon (PPC)
5. Villar (PPC)
6. Magsaysay (PPC)
7. Arroyo (PPC)
8. Pangilinan (PPC)
9. Angara (PnM)
10. Recto (PPC)
11. Lacson (PnM)
12. Ejercito (PnM)
13. Honasan II (PnM)
14. Enrile (PnM)
15. Defensor (PnM)

***PHILIPPINE HISTORY *** ANG HIWAGA NG SAYAW SAOBANDO

Inaabangan tuwing kalagitnaan ng Mayo ang pista sa Obando, Bulacan.
Halos lahat ay batid na ito ang lugar kung saan maaaring humiling ang mag-asawang hindi magkaanak.
Sasayawka lang daw at kung papalari ay bibibyayaan ka ng ianaasam na sanggol.
Ngunit marami ang hindi nakakaalam sa tunay na kahulugan ng pagdiriwang na ito.

 May 09, 2001

*** IBINULGAR P100,000 SA SUNDALONG SASAL SA KUDETA! ***

Hindi kaya magising ang mga sundalong ito sa laki ng perang alok raw ng grupo ni Gringo o manatili silang tapat sa konstitusyon?

Patuloy umanong nagsasagawa ng panghihikayat si Sen. Gringo Honasan sa mga opisyal at tauhan ng pulis at militar upang sumapi sa kanyang ilulunsad na kudeta upang pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.

***SM, ROBINSON'S, GMA-7 AT ABS-CBN LULUSUBIN! ***

Patuloy ang mga military at pulisya sa pagbibigay na mahigpit na seguridad sa ilang commrecial establishments sa Metro Manila, partikular sa shopping malls, himpilan ng telebisyon at radyo bilang paghahanda sa posibleng pag-atake ng mga loyalista ni dating Pangulong Estrada.

***SA KANYANG MULING PAGBUBUNTIS "I'M HAPPY!"- ANGELU de LEO ***

Walang kaabog-abog ay biglang umamin si Angelu de Leon na totoo ang tsismis na buntis siya.

Ginawa niya ang pag-amin sa isang overseas interview ni Mar D'Guzman Cruz sa radio program nito kamakailan.

Ang aktres ay kasalukuyan paring nasa Amerika at ayon sa kanya ay malapit na siyang manganak at babae ang kanyang ipinagbubuntis.

 May 01, 2001

*** PUWERSA NG AFP, PNP; PINALAKAS VS.PROTESTERS ***

Patuloy sa pagdagsa ang mga suporter ni dating Pangulong Joseph Estrada sa EDSA Shrine para makiisa sa isinasagawang rally upang hilinging palayain at ibalik sa pagka Presidente ang kanilang idolo.

Dagdag na puwersa ng Armed Forces of the Philippine National Police (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang ikinalat na National Capital Region (NCR), upang tiyakin ligtas sa posibleng karahasan ang ilang private ang government vital installations, pati na ang kaligtasan ng pinatalsik na dating Pangulong Joseph Estrada at lahat ng mamamayan dito, bunga ng maaaring idulot ng kalagayan ng pro-Erap EDSA 3 mass actions.

Ngayon Mayo uno ay inihatid na Joseph Estrada at Mayor Jinggoy Estrada sa Sta. Rosa Laguna kung saan siya ikukulong.

Malaking kaguluhan ang nangyayari ngayon mula Edsa hanggang Malacanang Palace. Marami na ang sugatang sibilyan at mga army.

 April 26, 2001

*** ERAP KINULONG ***

Ngayon lamang sa kasaysayan ng Pilipinas na isang dating pangulo,halal mahigit sa 10 milyong botante,ay inaresto at ikinulong para mapasimulan ang pagdinig sa kinasasangkutan nitong kasong plunder o pandarambong na may katapat na parusang habambuhay na pagka bilanggo hangang kamatayan.

Kahapon Abril 25 2001 ng hapon dinampot si Erap sa kanyang tahanan sa Green Hills San Juan.

Ang Presinte na nahaharap sa 13 kasong kriminal.
Kasama sa mga kasong kriminal.


1. P500 milyong suhol mula sa mga Jueteng Lord.

2. P3.3 bilyon na "unexpalined wealth sa pangalan ni Jose Velarde.

3. P150 milyon na "unexpalined wealth"sa pagbili ng Boracay Mansion.

4. P1.8 bilyon ng SSS at GSIS na ginamit pambili ng Shares ng Belle Corporation at Waterfront Hotel.

5. Pagbulsa sa P130 milyon Tobacco Excise Tax.

6. Graft and Corruption.

7. Pagtataksil sa tiwala ng bayan o "betrayal of public trust".*Sadayang paglabag sa Saligang Btas o "Culpable violation of the Constitution".

8. Plunder.

Kailangang harapin at sagutin ng dating Presidente ang mga kaso laban sa kanya sa korte.

Utang niya ito sa bayan.Kung may "warrant of arrest" kailangan siyang makulong dahil isa sa mga kaso laban sa kanya ay "plunder"isang krimen na walang piyansa.

Sa ngayon ay nagakaroon ng kaunting kaguluhan ang bansana Pilipinas. Maraming Pro Erap ang nag rarally sa Edsa Shrine,Ngunit hindi matatawag na People Power 3 ito dahil illegal silang nagpunta doon.

 April 18, 2001

*** ERAP, LACSON, IDINIIN A SA DACER MURDER CASE ***

Kumanta na ang dalawang dating opisyal ni dating Philippine National Police (PNP) chief Panfilo Lacson at nagdesisyong ibunyag ang kanilang nalalaman tungkol sa pagpaslang kay public relation specialist Salvador "Bubby " Dacer at sa driver nitong si Manuel Corbito.

Nabatid na sa kanilang pahayag, direktang isinangkot sina dating Pangulong Joseph Estrada at Lacson bilang mga utak ng pagpapadukot kay Dacer.

*** 3 PAHINANTE, SINUNOG NANG BUHAY NG MILF ***

Sinilaban nang buhay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang tatlong pahinante makaraang harangin at sunugin ang isang ten wheeler truck sa bayan ng Makilala, Cotabato kamakalawa.

*** MAHUSAY PUMILI NG MANUGANG SI ELVIE GONZALES ***

Mahusay palang pumili ang nanay na mapapangasawa ni Aga Muhlach na si Elvie Gonzales, dati ring artista, dahil ngayon palang ay alam na niyang magiging mabuting asawa ang kanyang magiging manugang.

Ibinatay ni Mommy Elvie ang kanyang paniniwala sa nakita niyang pagmamahal ni Aga sa kanyang nanay.

Maging is raw mabuting asawa ang lalaking mahusay magmahal sa ina.

At yn ay nakita kay Aga.

Dahil dito, naniniwala siyang mapalad ang kanyang anak na si Charlene Gonzales dahil natitiyak nito wala siyang magiging sakit ng ulo balang-araw.

 April 11, 2001

*** MANERO, SUMUKO NA; HUMILING NG HUSTISYA ***

Balik-bilangguan ang nakatakas na priest killer na si Norberto Manero Jr. makaraang boluntaryo siyang sumuko kay Presidential Assistant for Mindanao Affairs Jesus Dureza sa Polomok, South Cotobato kahapon ng umaga.

Ayon kay Manero, sumuko siya dahil naniniwala siya sa sa pamahalaang Arroyo at umaaasa siyang mabibigyan ng patas na pagtingin ang kanyang mga kaso, partikular ang binawing presidential pardon.

*** OUEZON CITY JAIL, MAGUGULO KAY ESTRADA ***

Naniniwala ang mga mambabatas na mahihirapan ang Bureau of Jail Management Penology (BJMP) na tiyakin ang katiwasayan sa loob ng Quezon City Jail kapag doon ikinulong si dating Pangulong Joseph Estrada.

Nahaharap ngayon ang napatalsik na dating lider ng bansa sa walong kasong kriminal sa Sandiganbayan na kinatatampukan ng isang plunder na may parusang kamatayan.

*** HINDI PA PAKAKASAL SINA GARY ESTRADA AT BERNADETTE ***

Dalawang mahahalagang bagay sa buhay ng simpatikong aktor na si Gary Estrada ang kasaalukuyang niyang pinagkakaabalahan.

Una, ang pagde-deny niya sa diumanoy nalalapit niyang pagpapakasal sa on-and-off niyang girlfriend na si Bernadette Alyson.

Pangalawa,nas kasagsagan ang kanyang pangangapanya sa pagka-alkalde ng bayan ng San Antonio sa Quezon Province.

 April 08, 2001

*** 7 PNP OFFICIALS UTAK NG PAGDAKIP KAY ERAP ***

Pitong opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang pangunahing utak sa nakatakdang pag-aresto kay dating Pangulong Joseph Estrada ngayong Semana Santa partikular sa Biyernes Santo, Abril 13.

Kasabay nito,inakusahan ng mga kapanalig ni estrada ang palasyo ng Malacanang na "lutong makaw" ang paborableng desisyon ng Korte Suprema hinggil sa apela ng dating Pangulo,patunay ang sikretong direktiba ng PNP upang arestuhin ang una.

*** 2 PARAK HINOSTAGE AT PINATAY SA PUMALPAK NA DRUG-BUST ***

Dalawang tauhan ng Centra Police District (CPD) ang napatay at dalawa pang pulis ang malubhang nasugatan sa pumalpak na drug-bust operation ng mga awtoridad na nauwi sa hostage drama makaraang kumasa an mga suspek noong April 4 sa Calavite st., Brgy. Salvacion,Laloma, Quezon City.

 April 01, 2001

*** ALYAS ERAP JR. ***

Punerarya,mansiyon,mall-ilan lamang umano ito sa mga ari-ariang naipon ni Jojo Binay mula nang maging alkalde ng Makati.

Magkatulad ng estilo ni dating pangulong Joseph Estada at ni dating Makati City mayor Jejomar "Jojo" Binay,na kasalukuyang tumatakbo para mabalik sa dati niyang puwesto.

Sa Makati,may mga gusaling ayon sa mga residente ay pag-aari ni Binay at ng kanyang partner na si Ernesto Mercado.

Kabilang dito ang malaking punerarya , isang mansiyon na tinitirhan ng anak ni Binay, at isang mall.

*** CRACKDOWN SA BOLD FILMS PARA SA EKONOMIYA ***

MATINDI ang bagong hepe ng movie at television review and classification board na si anding roses.

May balitang balak niyang I-require na makakuha muna ng lisensiya sa gobyerno ang mga direktor ng pelikula bago payagang maka pag direk.

Isipin ninyo: malaking "break" yon para sa mag-iisyu ng lisensiya. Bilang kondisyon para mapabilis ang pag-isyu ng lisensiya, puwede nilang sabihan ang direktor na kuning sila bilang artista sa pelikula.

"O, baka naman puwedeng I-date ang artista mo riyan,direk."

At ano kaya ang magiging basehan sa pag-isyu ng lisensiya?
Marunong mag motivate ng aktor?
Malakas sumigaw ng "cut" kapag nalalaswaan sa hubad na katawan?
Kahawig ni manoling morato kung mag-isip?
O baka ang gamiting ay ang Miriam Defenso-Santiago formula: kailangang ay natuntong sa UCLA o London film School para hindi mabansagang "low life" na walang karapatang mag-direk.

 March 24, 2001

*** MANERO PINATAKAS ***

Naniniwala ang simbahang katoliko na may kaugnayan sa pulitika ang pagtakas ng convicted priest killer na si Norberto Manero.

Ayon kay Archbishop Orlando Quevado,pangulo ng Catholic Bishops Conference of the philippines (CBCP), malaki ang posibilidad na pinatakas si Manero ng mga pulitiko sa Mindanao upang maghasik ng karahasan sa darating na halalan.

*** PABORITONG RECORDING COMPANY NG MGA BOLDSTAR NA MAY ALBUM ***

Hindi lang pala ang hubaderang si Ynez Veneracion ang nainis sa kawalan ng pelikula kaya pumasok sa rekording.

Maging ang mga boldstar na sina Ina Raymundo, Janna Victoria, Assunta de Rossi at Daisy Reyes ay pumirma na rin ng kontrata sa Dyna Music ni Howard Dy para gumawa ng album.

*** LIVE SHOW, DAPAT LANG ITIGIL ***

Pinaboran ng Commission on Human Rights (CHR) ang kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipatigil ang pagpapalabas sa mga sinehan ng konrobesyal na pelikulang "LIVE SHOW" Bunsod ito ng pagbabawal ng gobyerno na ipalabas pa ang nabanggit na pelikulang "malaswa" ayon sa mga "ultraconservative" na sektor.

Sinabi ng CHR na sa paglimita sa freedom of expression,makagagamit ang pamahalaan ng police power upang mapangalagaa

 March 13, 2001

*** $13-b Marcos Account, hahabulin ng gobyerno ***

Hahabulin ng gobyerno ang mga sinasabing nakaw na yaman ng pamilyang Marcos, kabilng ang nabunyag na $13.2 bilyong Irene Marcos account sa Switzerland.

Ayon kay Executive Secretary Renato de Villa, kung mababawi ay malaki ang magagawa ng nasabing halaga lalo ngayon na napakalaki ng budget deficit ng bansa.

*** LACSON NAIS IPABILANGGO ***

Ikulong si senatorial candidate Panfilo Lacson.

Ito ang panawagan kahapon ng ilang kandidato ng People Power Coalition (PPC) matapos umanong aminin ni Lacson ang kanilang operasyong illegal na wiretapping noong 1998 presintial elections.

Ayon kay PPC senatorial bet Ernsto Herrera, dapat sampahan ng kasong paglabag sa Illegal Wiretapping Law si Lacson at iba pang opisyal na binuwag na Presidential Anti Crime Comission (PACC) matapos ang umano'y pag.amin sa paniniktik sa mga kandidato at supporters ng lakas-NUCD noong 1998 elections.

*** MGA NANALO SA 17TH STAR AWARDS FOR MOVIES ***

Best Picture- "Bayaning Third World"

Best Director- Mike de Leon ("Bayaning Third World")

Best Actress- Vilma Santos (Anak) Besta Actor- Carlos Morales ("Laro sa Baga")

Best Supporting Actress- Angel Aquino ("Laro sa Baga")

Best Supporting Actor- Jeffrey Quizon ("Markova; Comfort Gay")

 March 08, 2001

*** JINGGOY ESTRADA,SASAMPAHAN NG KASONG GRAFT NG PCSOS ***

Sasampahan ng kasong katiwalian at pangugngurakot ng Philippine Charity Sweeptakes Pffice (PCSO) si San Juan Mayor Jinggoy Estrada kapag nabigo itong ipaliwanag sa loob ng 10 araw kung saan napunta ang 286 ambulansiya na nagkakahalagang P89 milyon.

Ibinigay ng PCSO ang mga ambulansiya sa Office of the President at sa mga benipisyaryo ng League of the Municipalities of the Philippines (LMP) na pinamumunuan ni Jinggoy.

Kasabay nito, titingnan din ng PCSO ang alegasyon na napunta kay dating Pangulong Joseph Estrada ang nasabing mga sasakyan at pulos "ghost" beneficiaries ang mga nakinabang.

*** LUMINDOL SA BAGUIO ***

Niyanig ang intensity 3 na lindol ang Baguio city kahapon marso 7 ng tanghali na sinundan ng ilang after shock na naitalang intensity 2.

Nadamay din ang ilang bahagi ng La Union at Dagupan City, ayon sa ulat ng Philippiune Institute of Volcanology ang Seismology (Philvocs).

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 39 kilometro sa kanluran ng Lingayen, Pangasinan na may 3.9 magnitudes at tectonic ang origin.

Ang lindol ay nag-ugat sa "deformation of bubducted stab" sa ilalim ng manila French.

*** LT, IDEDEMANDA ANG KONSEHALANG GUMAWA NG MALING PARATANG ***

Nagtataka ngayon si Lorna Tolentino kung bakit siya ang inaatake ng intriga.

Pati ang palengke niyang Cogeo Wet and Dry Market sa Antipolo City ay dawit din sa intiga.

Kaya feeling ko, sila ang ginagamit ng konsehala na nagkakalat ng maling balita na isasara na raw ang nasabing palengke dahil marumi at nagtitinda raw ng mga karneng may mad cow disease.

 March 01, 2001

*** ARMS ANOMALY, HUMATI SA AFP ***

Lumala ang pulitikal sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sanhi ng pagkakabunyag sa multi-milyong anomalya sa pag-aangkat ng armas sa Philippine Marines.

Ayon kay Navy Chief Rear Admiral Gillermo wong, naapektuhan ng nasabing usapin ang propesyonalismo sa hanay ng military na nagiging dahilan ng pag-usbong ng mga anomalya na tulad graft ang corruption.
Idinag dag niya na layunin lamang niyng mag-pairal ng reporma sa loob ng Philippine Marines ng siyasatin niya ang pagkawala ng mga armas at Kevlar helmets sa loob ng Marines.

Aniya nais lamang niyang ipagkaloob sa mga sundalo ang mga armas na dapat mapasakanila particular kapag sinasabak sila sa digmaan.

*** P50-M CELL PHONES, NASABAT ***

Muli na namang nakasabat kahapon ng may P50 milyong ng halaga ng cell phones at SIM cards ang mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na umano'y tinangkang ipuslit sa bansa sa magkahiwalay na flight mula Hong Kong at United States.

*** EFREN BATA, NO.1 SA US ***

Patuloy ang pamamayagpag ni Efren "BATA" Reyas hindi lamang sa Pilipinas kundi sa US sa kabila nnang matagal na pagkawala sa eksena ng US pool circuit.

Sapul ng magwagi siya sa World Pool Championship sa Cardiff, Wales noong 1999, ang captain ng Puyat Sports team pro billiards ay nag-uwi lamang ng isang major title, ang World 8-ball Championship sa Las Vegas, na tatlong ulit na niyang napanalunan.

Gayunman sa buwanang OnLine Survey ng Pool and Billiard Magazine, si Reyes, kinikilalang " The Magician " ng Americans, ay kinilalang No.1 na paborito ng fans.

 February 22, 2001

*** HEADLINE NEWS ***

POSIBLENG maharap sa kasong kriminal si dating First Lady Dr. Loi Ejercito matapos mapatunayang nakipagsabwatan siya sa pinatalsik na pangulo kaugnay sa anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa panayam kahapon, iginiit ni Western Samar Rep. Antonio Eduardo Nachura na responsible si loi sa kaso kaya dapat itong managot matapos kunsintihin si Estrada sa pagpapalabas ng P100-milyon charity fund na hinihinalang napunta sa erap's Patnership for the Poor Foundation.

Aniya, ang nasabing foundation ay personal na itinayo ng pamilya ni Estrada sa pamamagitan ng pondo na nanggagaling sa gobyerno.

*** POLICE NEWS ***

Paglaya ng 24 pang bilanggong pulitikal, okay na Dalawampu't apat na bilanggong pulitikal pa ang inaprubahan ni Pngulong Gloria Macapagal Arroyo upng mapalaya.

Bunga nito ay umabot na sa 73 bilanggong pulitikal ang mapapalaya ng bagong administrasyon kabilang ang mga miyembro ng National Democratic Front (NDF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa tatlong magkakahiwalay na memorandum ni Executive Secretary Rene de Villa Kay Justice Secretary Hernando Perez ay isinaad na pinirmahan na ni Arroyo upang mapalaya ang mga ito sa pagnanais na nagging bahagi ang ganitong aksiyon ng "confidence-building measures " ng pamahalaan.

 February 12, 2001

*** BILYONES BABAWIIN ***

MAY MUNGKAHI SI REP. ACE BARBERS: Paliyan ang kasalukuyang P1,000 bills para mapilitan si dating pangulong Joseph Estrada na ilabas ang umano'y itinatago nitong salapi.

Ito ang pagde-demonetize o pagpapawalang bisa ng tig P1,000 bank notes ng Estrada administration.

Ipinanukala ito ni barbers bilang tugon sa mga balitang nilimas na ni Estrada ang kanyang bank accounts at itinatago ang bulto-bultong salapi sa isang 36-square-meter chamber na hinukay sa kanyang bahay sa Polk Street, Green Hills, San Juan.

*** BONGGA ANG BINYAG NI 'MEGABABY' ***

KAPAPABINYAG pa lang nina Atty. Francis Pangilinan at Sharon Cuneta sa bagong baby nilang si Simone Francesca Emmanuelle.

One month and three weeks old na si baby Frankie nang binyagan ito sa bahay nila sa Wack-Wack Village noong sabado.
Ilan sa mga taga showbiz na godparents ni Frankie ay sina direk Bert de Leon, Edu Manzano, Cesar Montano, Sandra Chavez, Baby Gil, Maricar Ong, Sandy Santamaria, Ciara Sotto, Angeli Valenciano, David Celdran, Fanny Serrano, Arsi Baltasar at Cherie Gil-Rogoff na kasamang dumating ang asawang si Roni Rogoff. Naroon din si Gary Valenciano, pero hindi siya nagtagal dahil may Junior-Senior Prom daw ang panganay nila at tutulungang daw niya ito sa pagbibihis.
Dumating ding sina Pops Fernandez at Kris Aquino.

Ayon kay Sharon, gusto paraw nila ni Kiko ng dalawa pang anak pero susundan nila si Frankie kapag one year and a half na ito.
Gusto raw nilang mabigyan ito ng enough attention and love na pwede nilang maibigay at ng kapatid nitong si Kc.

 February 06, 2001

*** LAKAS, EDSA FORCE NAG UUMPUGAN! ***

Halos hayagan na ang brasuhan sa pagitan ng Lakas-NUCD-UMDP-kampi at ng mga partidong bumubuo ng EDSA force at pinangangabahang tuluyang itong sumabog bago pa uminit ang May 14 elections.

Kahapon ay hindi itinanggi ni Sen.Juan Flavier ang nang yayaring kaguluhan sa partido ng administrasyon dahil sa pinagtatalunang hatian ng senatorial lineup.Sa orihinal na kasunduan, 6-6 ang magiging hatian na ang ibig sabihin, anim na slate ang pupunuan ng Lakas-NUCD at ang natitirang anim ay ang Reporma,Promdi,Liberal party (LP) at Aksyon Demokratiko.

*** 2 PASLIT BINUGBOG, TINAGA NG ERPAT ***

Himalang nakaligtas sa kamatayan ang isang 8-anyos na babae matapos tagain sa ulo ng sariling ama habang nagkapasa ang mukha at katawan ng kapatid nito sa Caloocan City kamakailan.

Bagama't ligtas na'y di pa rin makausap nang maayos ang biktimang si Renalyn Manlangit, grade 2 pupil, at kapatid nitong si Remedios, 10, na nagtamo naman ng pasa at bukol sa katawan. Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ang suspek na si Renato Manlangit, ng 80 TM Kalaw St., Bgy. 178, Camarin, Caloocan City.

*** KALABAN NI PAQUIAO, PROBLEMADO ***

Problemado ang makakasugapa ni Manny Pacqiao na si Tetsutura Senrima. Hindi ang nalalapit niyang pakikipagtipan sa Filipino fighter-kundi ang status ng kanyang pasaporte para makalabas ng Japan at makabiyahe patungo rito sa Pilipinas.

Nagpag-alaman ng Abante kahapon, na ang 31-anyos, na si Senrimana na bagamat ipinanganak, lumaki at naninirahan sa Japan, ay nagtataglay pa rin ng North Korean passport.

Si Senrimana ay ipinanganak sa Kobe, Japan at ang kanyang mga magulang ay Koreano.

 January 30, 2001

***PALASYO MAGBEBENTA NG LLUXURY ASSETS ***

Ang pagbebenta ng mga presidential luxury assetys tulad ng presidential yatch at houses ang isa sa mga pinag-aaralan ng pamahalaang Arroyo na solusyon upang matugunan ang kakaharaping budget deficit ng pamahalaan.

Ito'y bukod pa sa ipatutupad na 'paghihigpit ng sinturon' sa lahat ng mga government official. Sa katunayan, iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapasailalim sa inventory sa lahat ng mga presidential luxury assets.
Kabilang ditto ang Presidential Yatch "BRP ng Pangulo" at mga presidential houses at rest houses at rest houses sa buong bansa.

Kung matatandaan, unang pinaimbentaryo ng Pangulo ang mga kontrobersiyal na luxury cars na ginamit sa ilalim ng Estrada administrasyon.
Naniniwala si Arroyo na malaki ang maitutulong sa kaban ng bayan ang pagbebenta ng mga presidential luxury assets.

***Kahit hindi suportahan ng PSC tuloy ang programa ng bagong BAP president ***

Matapang na ipinahayag ng bagong halal na Basketball Association of the Philippines (BAP) president na si Tiny Literal na magpapatuloy siya sa pag-upo sa puwesto at kahit na wala aniyang pinansiyal na suporta mula sa PSC ay maisasagawa nila ang progarama ng asosasyon.

"Although, it's the duty of PSC to give us fund, we can still survive even without their supports," dagdag pa ni Literal.
Ang naturang pahayag ay bunsod na rin sa tila pagkiling o patuloy na pagkilala ng Philippine Olympic Committee (POC) at maging ng PSC na pintalsik ng BAP president Freddie Jalasco.

***KASO NI DACER, RIZAL DAY BOMBINGS TAPOS NA ***

May ibang teorya na hawak ngayon ang bagong pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga kaso ng misteryosong pagkawala ni PR executive Bubby Dacer at madugong Rizal Day bombings kumpara sa imbestigasyon ni dating PNP Chief Director Gen. Panfilo Lacson.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Acting PNP Chief Deputy Director Gen. Leandro Mendoza sa isang panayam kahapon sa Camp Crame.

 January 20, 2001

*** ERAP ABANDONADO NA ***

Binigyan ng deadline ng hanggang ngayong alas-6 ng umaga ng United Opposition si Pangulong Estrada para bumaba sa puwesto dahil kapag hindi umano ito nag-resign ay lahat ng tao sa EDSA ay magma-martsa patungo sa Malakanyang. Isang panel ang iniulat na ipinadala sa Palasyo para kumbinsihin ang Pangulo na magbitiw na.

Sa ikatlong araw ng pangalawang people power revolution laban sa administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada, inabandona na siya kahapon ng mataas na liderato ng military at pullisya.

Naunang nagpahayag ng pagbawi ng suporta kay Estrada si Armed Forces Of the Philippines Chief of Staff Gen. Angelo Reyes at lahat ng iba pang mataas na heneral ng AFP.

Sa isang pulong-balitaan kagabi, inihayag din ni Philippine National Police Chief Director Panfilo Lacson ang pag-bawi niya ng suporta sa Pangulo.
Ipinahiwatig niya na susunod ang PNP ang suporta nila sa Pnagulo dahil ito ang hinihingi ng sambayanan.

Sinabi ni Lacson na nananatiling solido ang PNP at inatasan niya ang mga regional director na manatili sa kani-kanilang puwesto.

Sinabi ni Reyes na sumama narin sa pag-bawi ng suporta administrasyong Esrada ang mga sundalo sa Northern Luzon.

Mga bandang alas-nuwebe ng umaga sumugod na ang mga anti-Erap sa malakanyang, ngunit nagkaroon ng konting kaguluhan. Nagkaroon ng batuhan ang anti- Erap at Pro-Erap

At pagdating ng alas dose ng tanghali nanumpa na ang Pangulong Estrada na magbibitiw na siya sa Miyerkules. Ngayon si Vise Gloria Macapagal na ang Presidente.

 January 15, 2001

*** PILITA CORALES: ASIA'S QUEEN OF SONGS (THE GREATEST PINAY SINGER) ***

Isa sa pinakamatagumpay na alumna ng music Philippines ay si Miss Pilita Corales. She captivated the hearts of the Filipino people with her renditions of Spanish and English songs, and later on Visayan and Tagalog.

Pilita's popularity moved up to an increasingly high level when she conquered the United States. The very first Filipina to perform live at the plushy Ceasar's Palace in Las Vesgas, Nevada. It was a back to back concert, with no less than the very famous that time, Sammy Davis Jr. As today, she very busy with some tv sitcoms and doing shows outside the Philippines.

*** PUBLIC DEBT NG GOBYERNO, LUMOBO SA P610B ***

Ibinulgar kahapon ni Bohol Representative Ernesto Herrera na lumaki ng 44% o P610B ang outstanding public debt ng pamahalaan simula ng maupo si Pangulong Joseph E. Estrada noong Hunyo 1998.

Ayon sa solon, ibinase niya ang pagtataya sa ipinalabas na report ng Bureau of Treasury. Isinisi rin nito na ang pagtataas ay dahil na rin sa di nasasawatang talamak na illegal smuggling, paghina ng pangongolekta ng buwis at di makontrol na deficit spending.

Matatandaan na sinabi ni dating Finance Secretary Edgardo Espiritu sa kanyang testimonya sa impeachment trial na madalas niyang nakikita ang ilang pinaghihinalaang smugglers sa Malacanang na nagging dahilan ng kanyang maagang pagbibitiw sa Gabinete ni Estrada.

 January 9, 2001

*** Maceda, inakusahan ng graft ni vizconde ***

INAKUSAHAN kahapon ng graft and corruption ni volunteer Against Crime and Corruption (VACC) vice chairman Lauro Vizconde si presidential spokesman Ernesto Maceda. Ito ay makaraan sabihin sa isang pahayag ni Maceda na wala sa normal na pag-iisip si Vizconde matapos ibunyag nito ang umano'y "mastermind" sa mga pambo-bomba sa maynila noong Disyembre 30. "I challenge him (Maceda) to prove who between us 'cuold not have been in his mind ," hamon nito. Sinabi ni Vizconde na nilabag ni Maceda ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa umano'y pagdadala nito ng imported vehicles na walang buwis noon nakaraang lingo sa bansa. Kinabibilangan ito ng isang 500 Mercedes Benz na nagkakahalaga ng P10 milyon; isang Honda Odyssey Luxury Car; at dalawang unit ng BMW 4 wheel drive.

*** Maghuhubad na rin si Bernadette Allyson ***

Ano ang nangyayari sa ating mga desente at magagandang kabataang babae na katulad nina Rica Paralejo, Mylene Dizon, Janna Victoria, Assunta de Rossi at Brigitte de joya. Well, naghuhubad lang sila sa harap ng kamera dahil ito ay napapanahon " career move" at "for the sake of art." Daw.

*** Kenneth, walang-kawala sa Aces ***

Mukhang mauuwi rin sa wala ang paghihimutok ni Kenneth Duremdes sa Alaska Milk. Nakahanda ang Alaska management, sa pangunguna ni team owner Wilfred Uytengsu, na tapatan ang anuman offer na ihahain ng mobiline sa kanilang star player.