|
For Filipino! |
|
News
(Police news)
|
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| December 19, 2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** KMU:IMPEACHEMENT PROCESS,MAGIGING MORO-MORO *** Kapag ipinilit ng mga pro-ERAP sa Senado na baliktarin ang desisyon ni presiding Officer Chief Justice Hilario Davide,Jr. na buksanang selyadong sobre na naglalaman ng bank records ni Jose Valhalla ay lalabas lamang na isang moro-moro ang idinaraos na impeachment process laban sa Pangulong Estrada. *** 3 PULIS HULI SA BAWAL NA DROGA AT BARIL *** Bulacan-Tatlong pulis na pawang nakadistino sa 306th. Provincial Mobile Group sa San Rafael, Bulacan ang inaresto ng mag -kasanib na puwersa ng Criminal Investigation Goup at PNP Intelligence and Investigation team sa Barangay Pinag barilan,Baliuag ng lalawigang ito kamakalawa lamang. Kinilala ni P/Supt. Emelito Sarmiento, Bulacan PNP provincial director,ang mga dinakip na sina P03 Reynaldo Galicia,P02 Erwin Marzan at P01 Federico Soriano. Ang mga pulis na nabanggit ay nahulihan ng tatlong baril ng walang lisensiya at 10 gramong shabu . *** NANGANAK NA SI SHARON! *** Sa Makati Medical Center noong December 16 nanganak si Sharon Cuneta at exactly 4:41 AM ay iniluwal ng Megastar ang first baby nila ni Atty. Francis Pangilinan via caesarian operation. Babae ang kanyang anak at napakalaki (8lbs.) kaya naman kung gaano kasaya ang mag-asawa especially Francis na matagal ding naghintay. *** MILLENIUM MVP! *** Danny Ildefonso ng San Miguel Beer hinirang na MVP ng PBA para sa taong 2000. Siya rin ang nagging Best Player of the Conference. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| December 13, 2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** TESTIGO,NAGDALA NG P5-M SA PALASYO,Galing sa jueteng payoffs *** Ibinunyag kahapon ng private secretary ni Ilocos Sur Governor Luis "Chavit"Singson na si Emma Lim na personal niyang dinala sa Malacanang ang halagang P5 million jueteng collections noong Enero 1999. *** ETERTAINMENT NEWS. *** Inintriga naming si Marvin Agustin na mas maganda ang role ni Jericho Rosales sa " Tanging Yaman." Disappionted lang kami dahil hindi kumagat ang actor sa aming pang-iintriga. In pact, pinuri-puri pa nito si Jericho na magaling daw na actor. *** MATINDING SAKRIPISYO, ISINAGAWA NI ILDEFONSO SA SMB *** Isang malaking sakripisyo para sa isang nag-aambisyon ng Most Valuable Player (MVP) ang ginawa ni Danny Ildefonso sa game 1 ng championship series sa pagitan ng nagdedepensang San Miguel Beer at Pure-foods Tender Juicy Hotdog para sa 2000 PBA Governors Cup. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| December 04, 2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** Rachel M. Soriano: 2nd runner up at Best inLong Gown sa Miss Tourism World *** Sa nakaraang Tourism World 2000 na ginanap sa Malta kamakailan ,nanalo ng 2nd runner-up si Miss Philippines Rachel M. Soriano,25,ng Meycauayan,Bulacan. Si Rachel din ang nagwagi ng Best In Long Gown. Itinanghal na Miss Tourism World si Miss VenezuelaFrancys barraza samantalang 1st Runner-Up naman si Miss Lithuania Renata Voitchovskaja. Silang tatlo lamang nina Rachel ang nanalo sa 51 kagandahan na lumahok. *** RP, magiging 'Sick Man of Asia' muli. *** Muling babalik ang Pilipinas bilang "Sick man of Asia" dahil sa pagiging bulag at bingi ni Pangulong Joseph Estrada sa mga panawagan ng mamamayan na bumaba na ito sa tungkulin. Ito ang babala ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada kaugnay sa isinusulong ng United Opposition na mag-resign na si Estrada sa puwesto dahil sa lumalabas na "juetenggate" issue. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| November 28, 2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** BOXING CHAMPION *** Masayang itinaas ni Sen. Robert Jaworski ang mga kamay ni Gerry Penalosa makaraang magtagumpay niyang maidepensa ang kanyang WBC International superflyweight crown kontra Ratanachai Sor Vorapin sa pamamagitan ng knockout noong Sabado ng gabi sa Casino Filipino sa Paranaque. Pinatulog ni Penalosa ang kalaban sa 6th round. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** IMPEACHMENT TRIAL BANTAYAN- CORY *** Nanawagan si dating Pangulong Corazon Aquino sa mamamayan na masusing bantayan ang paglilitis kay Pangulong Joseph Estrada na sisimulan sa Disyembre 7 para matiyak na walang maitatago rito . Hiniling din ni Aquino sa mamamayan na sulatan ang mga senador na sundin ang kunsiyensiya sa pagboto kung dapat sentensiyahan o ipawalang-sala si Estrada. Umapela rin siya sa mga senador na magsilbing juror sa paglilitis na maging patas at huwag magdesisyon nang alinsunod sa kinabibilangan nilang partido. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| November 21, 2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** "My Platinum Hits,"kakaibang album ni Vehnee Saturno *** Ang "My platinum Hits" ay naglalaman ng magagandang OPM songs. Siguradong magugustuhan ito ng mga mahilig sa mga awitin lalo na ang "Bakit pa" ni Jessa Zaragosa, "Dahil tanging Ikaw" ni Jaya "sana Kahit Minsan" at "Simple Lang" ni Ariel Rivera" "be My Lady" ni Martin Nievera, "Mula Sa puso" ni Jude Michael "Mahal Parin Kita," "Pangarap Ka " at "Wala na bang Pag-Ibig". |
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** Problema sa basura lalala pa-Greenpeace *** Tiniyak ng Greenpeace movement na lalo pang lalala ang suliranin sa basura sa Kalakhang Maynila sa sandaling hindi seryosohin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng sistemang reduce,reuse at recycle. *** Fixers sa LTFRB,'protektado' *** Hinihinalang sangkot ang ilang opisyal ng Land transportation Franchising and Regulatory Board kung bakit patuloy na gumagala at hindi masugp ang mga fixer sa loob ng naturang tanggapan. *** Mahinang Ekonomiya,ikinabahala ng IT sector *** Ikinabahala ng industriya ng information technology(IT) ang mahinang ekonomiya ng Pilipinas hindi sa pagiging matumal na aktibidad ng mga kompanya kundi maaaring maulit ang pangingibang bansa ng mga IT professional sa bansa. *** STOP JUETENG PROBE, SENATE ASKED *** The house of representatives had formally urged the Senate to stop its investigation of the jueteng pay of scandal as public hearings were set on the impeachment case against President Estrada. *** IT'S OVER FOR POPS, MARTIN *** The more than 12-years marriage of estranged couple Pops Fernandez and Martin Nieverra is officially over. A Makati judge oct.27 granted the annulment petition filed by Fernandez befote the makati Regional Trial Court Branch 140 last year, Citing psychological incapacity of her long-time partner. *** RP OPEN PUSHES THROUGH AS SCHEDULED *** The 85thedition of the Philippine Open will push through as scheduled. Owing the economic difficulties,Asia's oldest golf championship will have local pros competing for the P2million top purse-instead of the original $200,000 prize-when it tees off at the Langer course of the Riviera Golf and Country Club in Silang, Cavite next month. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| September 13, 2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** $60M, GAGAMITIN SA ROAD WIDENING NG METRO MANILA *** Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na matanggap ang $60 milyong inuutang nito sa World Bank bago matapos ang taon. Ang naturang halaga ay gagamitin sa pagsasaayos ng trapiko sa Kamaynilaan sa pamamagitan na rin ng pagpapaluwag sa kalsada at paglalagay ng mga intermodal transport system na isinasaad sa project proposal ng MMDA na isinumite nito WB noong Marso 1999. Ayon sa naturang proposal, malaking balakid sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya sa Pilipinas ang traffic congestion at environment problem na kung maaayos ay mabilis na lalago ang ekonomiya sa bansa.
*** DoH, NAGBABALA VS KOLERA SA PAMPANGA *** Nagbabala ang Department of Health para sa kalusugan ng mga residenteng binaha sa walong bayan ng Pampanga na maging maingat laban sa posibleng pagkalat ng sakit na kolera, dengue at iba pang mga sakit na dulot ng tubig-baha. Sinabi ni Chief Supt. Roderto L. Calinisan, chairman ng Regional Disaster Coordinating Council, halos 79 barangay sa siyam na bayan ng Pampanga ang lumubog sa tatlo hanggang anim na talampakang baha na dulot ng walang patid na ulan ng bagyong "Maring" mula noong Linggo. Ang baha sa mga apektadong baranggay ay dating hindi humuhupa sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan dahil sa pagkabara ng lahar sa malalaking ilog sa Pampanga patungo sa Manila Bay. Isa na rin sa dahilan nito ay ang walang pakundangang pagtatapon ng basura ng kemikal buhat sa Cosmos Bottling Co. plant sa Bungang Gintu creek sa Sto. Tomas, na nagbunga ng pagkakabara ng waterlilies at hindi makaayos ang tubig ulan sa Pasac River. Bagamat nagbigay na ng tulong ang ilang local na opisyal sa nasabing sitwasyon subalit sisiguraduhing kakapusin ito.
*** PAGLAYA NG IBANG BIHAG, MAAANTALA *** Maaaring maantala ang paglaya sa nalalabing mga hostage ng Abu Sayyaf Group na nasa Talipao, Sulu. Ayon kay chief government negotiator Robert Aventajado, kailangan tiyakin muna nilang ligtas ang pagbalik sa kuta ng ASG upang maiwasan maulit ang pagtambang nang pakawalan ang apat na European hostage sanhi ng alitan sa dalawang paksiyon ng grupong ekstremista. Hawak pa rin ng ASG ang dalawang French journalist at isang Pilipinong kasama ng mga pinalayang European at Malaysian hostages na dinukot sa Sipadan noong Abril 23. Pero hindi tiniyak ni Aventajado kung ano ang hinihinging pabor ng bandidong grupo sa pagpapalaya ni Jesus Miracle Crusade leader Wilde Almeda. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| 21/May/2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** JAWO, BUBUKSAN ANG FIL-AM CASES *** Muling pinabubuksan ni basketball legend Sen. Robert Jaworski ang imbestigasyon sa pagpasok ng maraming Fil-foreign player sa bansa. Nauna nang napatalsik sa bansa ang player ng Mobiline na si Asi Taulava . Matapos matiyak ng Bureau of Immigration na wala siyang dugong Pilipino at pineke lamang ang kanyang papeles upang maipalabas na isa siyang Filipino- Tongan. Nanganganib namang ma-deport si Sonny Alavarado ng Tanduay matapos madiskubre ng BID na dalawang Birth Certificate ang isinumite nito na magkaiba ang pangalan ng ina. Sa ganitong kaso hindi pinagbabawalan ni Sen. Jaworski na tutulan ang ilang mga Fil-foreigner players na makapag laro sa bansa kundi upang malaman niya kung sinu-sino ang nasa likod ng mga anumalyang nagaganap sa pagpepeke ng mga papeles ng mga ito.
*** MORE BOMB ATTACKS IN METRO *** Police
and Military authorities are bracing for more bomb attacks in Metro
Manila following intelligent reports that communist and Muslim rebels
will stage more terroristic activities in the metropolis and nearby
provinces. Reports indicated that 15 suspected Abu Sayyaf members
have landed in the metro to communicate with their counterparts in Muslim
communities in a bid to beef up their forces. Abu Sayyaf and Moro
Islamic Liberation Front members were being eyed behind the explosions
in Luneta, Glorietta at the Ayala Center and at the PNP headquarters
in Camp Crame. The rebels, on a test mission in the metro, were
reportedly armed with rocket-propelled grenades and other high powered
firearms. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| 14/April/2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** LUMUBOG NA BARKO *** Lumubog
ang barkong M/L Annahada noong Marso 12,2000 ng 6:00 ng gabi.
*** ABU SAYYAF CASE *** Pinayagan ng Gobyerno na ipadala si Robin Padilla na tumulak papuntang SUMISIP BASILAN upang pakiusapan ang Abu Sayyaf na pakawalan ang nalalabing 31 hostages na hawak ngayon ng mga terorista.Ngunit sinabi ni Akbar na kung sakaling mabibigo si Robin Padilla mapipilitan umanong magpadala ng 500 sundalo para lusubin ang mga terorista.
*** SI VIC ANG DAHILAN NG PAG QUIT NI KRISTINE *** Inamin
na ni kristine Florendo kay Butch Francisco na hindi sya buntis, gaya
ng kumakalat na tsika.
*** ANG NALALAPIT NA WEDDING NI CESAR M. AT SUNSHINE C. *** Mapapaaga
ang pagku-quit ni Sunshine Cruz sa showbiz dahil napaaga ang kasal nila
ni Cezar Montano.
Unti-unti ng nagkakaporma ang bubuo g quarterfinal round ng PBA All-Filipino
Conference. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| 30/March/2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** APRIL BOY,NIREGALUHAN NG TERNONG DIAMOND RING AT EARINGS SI KRI AQUINO *** Bilib
talaga kami kay April Boy Regino.Ang tindi kapag
*** BAKIT NAKALADKAD ANG PANGALAN NI MARICEL SA ISYUNG VIC-KRISTINE? *** Nakapagtataka
kung bakit bigla na lang lumitaw ang
***
1MILLION BATTLE OF CHAMPIONS *** "Motolite-KFC
P1 Million Battle of Champions" 今日から4月1日までの3日間、レイエスとブスタマンテが賞金1ミリオンペソを懸けて、ビリヤードの試合を行う。場所はHoliday Inn ManilaのCoral Ballroom。 |
||||||||||||||||||||||||||||||||||
| 26/March/2000 | ||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
*** POLICE LIVE-IN PARTNER TINUMBA NG N.P.A.(NEW PEOPLES ARMY) *** Marso 26,2000 6:30 ng umaga.Pingbabaril ang isang pulis na si P03 Aldeger Uyhamco,43 taong gulang na nakatalaga sa Ormoc city Police Office Precint 7 at ang kanyang Live-in parter na si Nonieta Espiritu,46 taong gulang,na nagtamo ng maraming bala sa iba't ibang bahagi ng katawan,habang sila ay nagtitinda sa pampublikong palengke sa Sito Casi,Brgy.Samantala ang (suspect) o pinaghihinalaang sa naganap na krimen ay sinaRene Balicante, Boy Caliawan at Luis Villena alyas Kumander Bagang. |
||||||||||||||||||||||||||||||||||